Stop & Shout


MEMBER OF:



Get Paid Money to Blog


Ang Saranggola Ni Juan
Friday, 24 August 2007

"Nakakatakot ang maging saranggolang walang humahawak ng pisi nya
Walang kumo-kontrol sa paglipad nya..."


Nasabi ko ang mga katagang ito sa isang kaibigan.
Matagal ko nang hinaing ang aking pakiramdam
na tila ba ako ay isang saranggolang palutang-lutang sa kawalan.
Walang nagma-may-ari
At nang dahil sa lakas ng ihip ng hangin, hindi makadapo sa kung saan.
Patuloy na tinatangay
Sa kung san man dalhin ng malakas na hangin.
Kung may magnais man na hawakan ang pisi,
nakakatakot namang isipin
Ang posibilidad na sa iyong paglipad at sa iyong pagdating
sa rurok, kung saan manipis na ang hangin,
ay bigla kang bibitawan, iiwanan.

Ngayon, aking napagtanto,
ang kaso ko ay hindi tungkol sa saranggola
kundi sa takot na bumabalot sa akin
na naipon nitong mga nagdaang panahon.
Hindi ko kinakailangang ihalintulad ang aking sarili
sa isang saranggolang nasa kawalan at walang nagma-may-ari.
Hindi ko kailangan ang hahawak ng aking pisi.


Maaring ako'y isang ibong hinayaang ikampay ang mga pakpak.
Lilipad ako sa kung gaano kataas o kababa ko naisin.
Dadapo sa kung saan ko nais dumapo.

Saan man ako makarating
Ano mang taas o baba ang aking liparin
Patuloy kong tatanawin ang aking pinagmulan.
Babalik sa aking pugad kung kinakailangan.

Hindi ako isang makata.
Sinubukan ko lang magpakasasa.
Balik muna ako sa lupa.
Tao pala ako, hindi ibon.
At mas lalong hindi saranggola.

(wehehehe...)

Kaibigan, marami ang sa iyo'y di nakakakilala,
ngunit ito ay alay ko sa iyo bilang pasasalamat
sa walang sawa mong pakikiramay
sa hirap man o ginhawa.

Si Juan ka man o si Pepe.

 

 


No one has commented on this article.
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :
J! Reactions 1.09.00 • General Site License
Copyright © 2006 S. A. DeCaro
 
< Prev   Next >