MEMBER OF:




Si Charity
Friday, 29 August 2008

 Si Charity... loading...

Madalas mo siyang makita.
Matatagpuan sa napakaraming lugar sa bayan mo.
Matagal ko na din siyang kilala.
Maraming beses nakausap at napagtuunan ng pansin.
Ngunit di ko maitatanggi, madaming beses ko na din siyang binale-wala
at paminsan-minsang naitaboy.

Mahilig siyang magsuot ng maskara
Iba't-ibang itsura.
Iba't ibang mukha.
Iba't ibang anyong maaring ikalito ninuman.
Ngunit isang kapa sa dibdib mo lamang
Nariyan ang katotohanan-- kilala mo siya mula ulo hanggang talampakan.

Si Charity.

Oo, sa kanya ko ipamamana ang isang kahong damit,
sapatos, at bag na pinaglumaan.
Kaunting bagay lamang
Di ko pa kayang damihan.

Si Charity.

Wala kaming pinagsamahan
Ngunit ayaw ko siyang bitawan.

Si Charity.

Isang anyo niya ay nag-aabang
sa barangay Pamarawan.

Oo nga pala,
Maluwag pa ang kahong sisidlan,
Maaaring may sobreng walang laman.
Baka nais niyong patulan.

Si Charity.
Sa isang bayan ng Malolos, Bulacan.

 

No one has commented on this article.
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :
J! Reactions 1.09.00 • General Site License
Copyright © 2006 S. A. DeCaro
 
< Prev   Next >