| Sa maniwala kayo't sa hindi... |
| Thursday, 11 December 2008 | |
|
"Anong araw na? Thursday ba ngayon?", ang tanong ko sa aking pamangkin na tila ba ako'y litong-lito kung anong araw na ngayon. Nagtataka kasi ako kung bakit ilalabas na nila ang basura. "Uh-huh," ang slang na pagsagot niya. OA na kung OA. Pero talagang nagulat ako. Di ako makapaniwala. Ilang beses ko tinignan ang Dashboard ni GreenApple para ikompirma kung anong petsa na ngayon. Thursday! Huwebes na nga. Biyernes na naman bukas. Isang linggo na naman ang nakalipas. "Fotek! Anak ng...", yun ang natatawa kong sambit kanina. Hindi pa din ako makapaniwala. Saan napunta ang buong isang linggo ko? Nagbasa ako, nagsulat, natulog, bumangon, nagluto, naglinis, ano pa? Ano pa ang makabuluhang nagawa ko sa isang buong linggo? Bakit tila sobra namang nagmamadali ang panahon ngayon? Bakit parang kapos na kapos ako sa oras? Napakarami ko pang gustong gawin. Napakarami ko pang gustong tapusin. Napakarami ko pang dapat basahin at pagtuunan ng pansin. Wala akong trabaho pero bakit parang kulang ang bente-kwatro oras sa akin? "Ahhhh!!!! Ahhh!!!!!!", ang sigaw ng damdamin ko. Sa maniwala kayo't sa hindi... bibitawan ko at iiwanan si GreenApple, ang aking kompyuter, nang hindi pa din lubos na maisip at matanggap na Biyernes na bukas. Katawa-tawa, para akong sira. Sulat ako nang sulat, alam ko ang petsa, ngunit ngayon ko lang lubos na napagtanto kung anong araw na ngayon. Weekend na naman!!!! Minsan tinanong ko naman ang ate ko... "Anong lulutuin ko bukas? Anong baon ni Biel?" Natawa na lang siya at sabay sabing, "Sabado bukas..." Waaaaahhhh!!!! Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin! Masyado ko na yatang minamahal at ini-enjoy ang bawat gawain ko na wala na akong paki-alam sa oras at araw. Ngunit lubha pa din akong nagtataka at wala akong magagawa (natural!) kung pakiramdam ko pa din wala pa din akong nagagawa. *Ahhhhhhhhhhhh! Hahahahaha!* Wala lang... gusto ko lang sumigaw at matawa sa sarili ko. Duh! Talaga! Ang OA ng panahon! Ang OA talaga! Pigilan ninyo ako. Pigilan ninyo ang panahon! ![]() |
| < Prev | Next > |
|---|



I am Mae German. 34 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 




