Maglalakad lang ako.
Wednesday, 05 November 2008

"Isipin ko na lang, I'm just taking a walk somewhere sa Manhattan..."


Yun yung sabi ko sa sarili ko kaninang umaga (para di ako kabahan) bago ako umalis para sa 2pm job interview ko.

Ganun nga ang ginawa ko, yun lang inisip ko the whole time-- today's going to be a fun day. Side-trip lang ang interview.

Hinatid ako ni Kuya at Ate sa estasyon ng tren. Hindi ako maiwan ni kuya hanggat di lumalabas yung ticket ko (di na sila lumabas ng car, pinanood lang ako hehehe).

Bumili ako sa ticket vending machine ng 2-way ticket papuntang New York Pennsylvania Station. $15 lang dapat kasi off-peak ticket yung binili ko (nagpasok ako ng 20-dollar bill) kaso apat na piraso of 1-dollar coin lang ang nilabas ng machine... grrrr... di ba niya alam na ang cash na baon ko eh $45 lang???!!!!

Tinanong ako ni kuya kagabi kung kailangan ko ng cash. Sabi ko okay pa naman yata yung pera ko. Pamasahe lang naman ang gastusin ko for the day, at pag nagutom ako, bibili na lang ako ng New York pretzel sa mga tindero sa kalsada. Mura lang naman yun.

Nung nasa tren na ako, naisip ko, nakakatakot ata ang laman ng wallet ko!! Biruin mo, kung $1=Php1, 45petot lang ang pera ko?!!!  Buti na lang mataas ang value ng dolyar sa piso.

"The office is located at 41st St (West side) between 7th and 8th Ave..", yun ang sabi ni Kat. Si Kat ang tumawag sa akin para sa appointment ko.

Nasa 34th Street ang New York Penn Station. Sabi ko hanapin ko na muna yung opisina kasi maaga ako dumating (12:30 yata andun na ako). Namali pa ako ng direksyon ng lalakarin kasi tinatahak ko ang 6th Avenue na pala (Me and my sense of direction!). Balik ako sa opposite side. Madali ko namang natunton ang lugar. At dahil maaga pa, sabi ko lakad ako patungo 50th Street para daan muna ako sa St. Patrick's Cathedral (may utang akong $2 dun eh dahil sa kandila! Too late na kasi nung nakita kong $2-a-candle pala dapat nung last time na punta ko, nasindihan ko na yung kandila, at wala na akong baon na cash!)

Kinakalkula ko ang oras ko mula 41st patungo 50th Street. May kalahating oras pa ako bago ako pumunta sa interview ko. But passing through 46th Street, may nakita akong simbahan na maliit (sabi yata ni Lord kulang ang oras ko if I push on going to St. Patrick's). Di ako sigurado kung Roman Catholic church iyun pero sabi ko, "The Church of Saint Mary the Virgin" ang pangalan ng simbahan (para siyang maliit na St. Patrick's Cathedral-- ang ganda ng loob) tunog Roman Catholic church sabi ko. At pati ang loob parang Roman Catholic church nga.

Nagsindi ako ng kandila, wala ng presyo na nakalagay sa pagsindi ng kandila, basta sabi maghulog ng donasyon. May baon na akong extra cash ngayon.

Lumagi ako sa loob ng mga kinse hanggang bente minuto. Nag-usap kami nang masinsinan ni Lord.

Nung medyo nagising na ako sa katotohanan na may job interview ako na pupuntahan, napansin ko ang altar--- iba ang altar nila, iba sa makikita mo sa mga simbahan ng mga Katoliko. Ang meron lang sa gitna ay isang lectern.

Yun. Hanggang ngayon di ko pa din alam kung RC yung napasok kong simbahan o hindi. Naalala ko ang sabi ni Kuya na pag Katoliko ang simbahan, may nakalagay na Roman Catholic sa labas. Wala akong nakitang ganun.

Ganunpaman, katulad ng sabi ko, maganda ang simbahan at lubha akong nagpapasalamat na nakita ko siya bago ko marating ang St. Patrick's Cathedral. Kasi sa St. Patrick's medyo madami na ang tao gawa ng naging tourist attraction na rin siya.

I needed a solemn place kanina and I was guided to one. AMEN!!!
hehehe

Yung utang ko sa St. Patrick's Cathedral, bayad ko na kanina. After ng interview ko, lakad ako uli mula 41st to 50th Street. Pagkatapos ng pasasalamat, bumalik na ako sa 34th Street para umuwi na. Mahirap na, sabi ko, baka abutan ako ng dilim eh pers taym ko sasakay ng bus pauwi mula sa estasyon ng tren.

Gutom ako at ang mga pretzels sa kalye ng New York ay pawang kinakawayan ako. Pero sabi ko, wala naman akong rason para gantimpalaan ang sarili ko ng isang mainit at malinamnam na pretzel. Sabi ko kasi sa sarili ko, kakain lang ako ng pretzel pag maganda kinalabasan ng interview ko. But since matatagalan pa bago i-release yung result ng panel interview ko kanina (a business analyst, a systems analyst, and an HR), at ako pa lang pala ang nai-interview nila, hindi ko pa feel ang mag-bunyi. At pag bumigay ako sa mga kaway ng pretzels sa akin, hindi ko na mae-enjoy ang next pretzel na makakain ko. Basta gusto kong treat sa sarili ko eh yung malaking pretzels from the streets of New York! Period. Soon, I will have a reason to buy one pretzel. Mababaw na kung mababaw, pero aliw na aliw ako sa pretzels.

Nakasakay ako sa 4:28pm train mula sa New York Penn Station pabalik sa amin. Nahilo ako kakahanap nung Penn Station kasi di ko matandaan kung saang Street/Avenue na sya. Basta sabi ko may palatandaan akong Duane Reade nung lumabas ako from the station. Hayun! In every 2 blocks may Duane Reade!

Nahanap ko din nang sumangguni na ako sa mapa ko. Di kasi ako tumitingin sa mapa kasi kampante na ako na kabisado ko na ang Manhattan. Hindi pa pala.

Nagdagdag ako $2.50 sa trainpabalik sa amin kasi peak-hour na pala sa kanila ang 4pm.

Dumating ako sa estasyon ng tre sa amin nang 5:15pm. Hinanap ko ang bus stop para sa bus patungo sa amin. Wala ako makita. Nagtanong ako sa police officer. Sakto pagsagot nya nag-stop sa intersection yung bus patungo sa amin, sa kabilang side naman may bus na di dumadaan sa amin. 

Sabi ko, "THAT BUS! WHERE IS THE BUS STOP FOR THAT???"

Sabi nya, "TURN RIGHT ON THAT CORNER."

Sabay takbo ako syempre baka mag-go na sila eh.

Hayun. Yung bus na di dumadaan sa amin ang dumaan sa harap ko. grrrr...

Sinubukan ko habulin yung bus na tutungo sa amin baka mahabol ko siya sa next bus stop nya. Ang kaso, di ko na nahabol kasi nag-green na yung traffic light.

At di ko na din nakita uli yung pulis para sermonan!!! GRRRR uli!

Hinanap ko yung next bus stop. Sa tapat ng munisipyo ko nakita yun (di ko na hinanap yung pulis syempre. Nagpa-patrol sya around town nun eh hehehe).

Waited... and waited... and waited for the next bus na dadaan.

Nate-temp na ako na i-text na si Kuya para sunduin na nila ako. Bilin kasi niya sa akin i-text ko lang sya para sunduin nila ako. But i didn't want to ruin my adventure. Sayang naman yung paglabas ko. I really wanted to learn and to get used to taking buses here na.

Makalipas ang isang oras... WALA PA DING BUS!!!!

Masakit na ang paa ko kasi nakatayo lang ako. Lamig na lamig na din ako. Buti na lang baon ko bonet ko at gwantes. Gustuhin ko mang maglakad lakad, nakalimutan ko naman sa bahay yung listahan ng oras ng pagdating ng bus. At pag nagtanong ka sa mga tao dito, WALA SILANG ALAM... halos lahat kasi de-kotse na... ako nga lang ang mag-isa sa bus stop eh.

Makalipas pa ang ilang minuto, may dumaang lalake...

"ARE YOU WAITING FOR THE BUS? COZ IT WOULD TAKE AWHILE, SOMETHING HAPPENED BACK THERE.." sabay turo sa pinanggalingan ko, "...AND THEY'RE WAITING FOR THE POLICE."

"UH... WHAT OTHER BUS # COULD I TAKE?"

"NO IDEA..."

Okaaaaaayyyyy payn... ayoko namang pumasok sa police station para magtanong... ang OA ko na nun!

Tapos hayun na nga. nagtunugan na ang mga serena ng mga police cars at syempre di mawawala ang bumbero.. at may ambulansya... (SOP yata dito yun). gusto ko tuloy lumakad pabalik sa nilakaran ko para maki-usyoso... kaso naisip ko, baka bigla sa kalagitnaan ng aking paglalakad eh bigla umandar na yung bus... di ko na naman sya mahahabol sa bus stop nya. Napako ako sa pwesto ko.

Naisip ko, mapalad ba ako na lumakad ako palayo sa pinakamalapit na bus stop sa train station? Ano ba talaga ang nangyari dun? Bat nagkagulo sila? Gustong-gusto ko nang lakarin at puntahan kung ano mang kaguluhan meron dun (Pinoy eh!).

Inaliw ko na lang uli sarili ko habang nakatayo sa bus stop. May mga nagdadaan namang kaaliw-aliw. Meron ding nakaka-alarma. Tulad nang may SUV na may lamang mga kabataang lalake na bigla nagbagal sa harap ko at tumingin sa akin na parang may balak na pagsisisihan nila kung saka-sakali. Laking pasasalamat ko nasa harapan ako ng munisipyo.

Makalipas ang mahigit isang oras, dumating ang bus ko. Madilim na. Di ko na makita ang mga palatandaan ko sa mga kanto ng dadaanan ko. At mga sandaling iyon ay ang mga pagkakataong hindi ligtas ang umaktong turista o naliligaw man lang. Hindi friendly ang atmosphere sa bus. May tatlong taong nagsusulat sa isang pirasong papel. Yun pala gumagawa sila ng testimonyal ng nangyari sa bus stop. Iiwan nila sa drayber yun (babae ang drayber) at ibibigay sa kinauukulan.

Ilang beses ako kinabahan na baka lumagpas na ako. Nung nakakasiguro na ako na kailangan ko nang bumaba, pinindot ko ang buzzer. Hindi pala narinig ng drayber. Tuliro siya. Malalim yata ang iniisip.

Lumagpas man ako, nakababa naman ako sa sumunod na bus stop. Malayo man ang nilakad, pamilyar na sa akin ang lugar. Malakas na ang loob ko maglakad o kumandirit habang tinatahak ang daan pauwi. Di ko na alintana ang pag-ambon.

Bago mag-alas otso ng gabi, nasa bahay na ako.

Lamon ang ginawa ko pagdating sa bahay. Ang sarap ng salmon at tokwa't baboy na gawa ni Ate. Pagdating naman ni Kuya mula sa trabaho, sumabay uli ako kumain. Lugaw at tokwa't baboy naman. Hah! Alam nyo bang masikip na ang mga baro kong pang-opisina?

Pero masaya ako. Sa wakas, naranasan ko nang sumakay ng bus pauwi sa bahay. Nakapaglakad din ako ng malayo ngayong araw na ito. Isang bagay na gustong-gusto ko ring ginagawa noong ako ay nasa Pilipinas pa.

Bukas uli. Babalik ako sa Manhattan.

Kanina nung nasa Manhattan ako, naisip ko pumasok sa Macy's para magtanong kung may temporary job sila para sa akin. Kahit ano basta su-sweldo ako nang higit sa pang-araw-araw na gastos ko. Isa pa, gusto ko talaga maranasan ang mag-trabaho ng kakaiba sa linya ko. Yung walang gaanong stress. Di gano pinapagana ang utak.

Narinig ako ni Lord. Natawa ako. Isa ito sa tinatawag kong "humour" ni Lord.

Tumawag ang employer ko nang mga bandang alas-onse ng gabi. May job opportunity daw para sa akin at gagawin ang interview sa Manhattan. Hindi ito programming job pero sabi nya, "I am trying to make you busy," at nang maranasan ko na din daw ang klase ng workplace meron dito sa bansang ito.

Muli bukas, "I'm just going to take a walk..."


Readers have left 3 comments.
 1. Untitled
ria, Unregistered
naloka ako sa mga batang tumigil sa harap mo. syemaks! kakata-cute!
 Posted 2008-11-07 07:01:53
 2. Untitled
ria, Unregistered
nakakatakot man ang first bus ride home mo, oks lang yun, kasi you will get used to it. rather, you need to get used to it.
 Posted 2008-11-07 07:07:30
 3. Untitled
ria, Unregistered
bilib talaga ako sayo.... ang lakas ng loob mo! kasi isipin mo, 2 hours kang naghihintay ng bus! nakayanan mo yun! kakatakot kaya yun!
 Posted 2008-11-07 07:23:17
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :
J! Reactions 1.09.00 • General Site License
Copyright © 2006 S. A. DeCaro
 
< Prev   Next >