| Lupa! |
| Saturday, 18 April 2009 | |
|
Yan ang sigaw ko pagkalabas ko ng bahay kahapon. Ilang araw ding hindi ako nasinagan ng araw at di nakatapak ng lupa. Akala ko nga di na ako marunong maglakad sa kapatagan o tumawid man lang sa kalsada. Di pa naman ako naging mailap sa tao, muntik ko pa ngang ngitian ang bawat taong makasalubong ko sa daan. Di ako nabubuwang. Masaya lang ako at ako ay nahanginan. Apat na araw lang naman bago ko nasilayan muli ang anyo ng kapaligiran. Di ganun katagal pero para sa akin matagal na iyon. Hindi naman sa wala akong choice kung bat ako di nakalabas. Mas naging praktikal lang kasi na ako ay manatili. Nangako ako sa isang tao na kapag maganda ang panahon, dadayo ako sa Jersey City ngunit medyo hindi rin naging maganda ang pakiramdam ko nitong nagdaang linggo. Uulan. Aaraw. Uulan. Tinamaan na ako ng ubo. Salamat naman okay na ako ngayon. Mula sa Staten Island (NY) sumakay ako ng bus patungo sa Manhattan kagabi. Maganda ang Manhattan tuwing gabi ngunit di na ako gaano nakapag-ikot. Gagabihin na ako masyado at medyo mabigat ang bagahe ko. Dumeretso na lang ako sa NY Penn Station kung saan ako sumakay ng tren papunta sa Metuchen (NJ). At mula doon, ako ay sinundo ng aking kapatid pauwi na sa kanilang tahanan. Halos tatlong oras din ang inilagi ko sa labas bago ako makarating sa paroroonan. Sapat na iyon para manamnam ko ang muling pagtapak ko sa kalupaan at malanghap ko muli ang sarap ng bagong simoy ng hangin sa kapaligiran. Kaaya-ayang simoy ng hangin. Manatili ka. Iyan ang aking panalangin. Lupa, nawa'y ika'y huwag maging mailap. Nang ang kaaya-ayang simoy mo ay akin ding malanghap. |
| Next > |
|---|



I am Mae German. 34 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 



