Home arrow Litratong Pinoy arrow LP#2: Tatlo Ang Sulok Ko
LP#2: Tatlo Ang Sulok Ko PDF Print E-mail
Sunday, 13 April 2008

Kinailangan kong halukayin ang larawang aking nakunan ilang taon na ang nakararaan upang makalahok sa Litratong Pinoy (nakakaaliw kasi ang mga balitaktakan dito). Salamat sa mabuting administrador sa pagbibigay linaw sa aking katanungan. Salamat din kay Kaje na syang madalas magbigay ng ideya sa akin upang ang aking pananatili sa sapot (web eh!) ay maging mas nakakaaliw.

Heto ako ngayon, nagdurugo na yata ang aking ilong kakaisip ng mga kataga para sa aking unang lahok (LP#2: Tatlo ang Sulok Ko), at ang challenge ("pagsubok" daw ang Tagalog ng salitang ito ayon sa isang kaibigan) ay kailangan sa wikang Filipino o Tagalog ang mga katagang gagamitin mo (kung meron man) sa ilalahok mo.

 


Kung may nagsumite ng salumpwet na may tatsulok, ang aking lahok para sa linggong ito ay isang likha ng Poong Maykapal na may pwet na tatsulok. Ano ba ang tawag sa kanya? Snail sya sa wikang Ingles, kuhol nga ba sya sa ating wika? Nalilito na ako sapagkat ang alam kong kuhol ay yung bilugan lang ang katawan at sya mong sinisipsip para makain ang laman, samantalang ang aking lahok na larawan ay may tatsulok na puwetan at malamang hindi maaaring kainin (hindi nga ba?). Wink

 

 
< Prev