|
Thursday, 01 May 2008 |
|
Page 1 of 3 
Ang larawan ay may katumbas na higit sa isang libong salita. Di na natin kailangan lagyan ng libelo o ng deskripsyon sapagkat ang larawan ay kusa nang mangungusap sa atin... mga tagamasid.
Ngunit huli na, umandar na ang aking isipan at ang aking emosyon. Ako ay napaiyak na nang makita kong muli ang lumang larawan ng aking mahal na aso, si Cubby. Isa iyan sa mga huling kuha ko sa kanya bago sya pumanaw at tumungo sa tinatawag nila sa Ingles na Dog's Heaven noong Marso ng nakaraang taon. Malalim ang aming pinagsamahan ngunit kami ay nagkahiwalay sa madaming kadahilanan. Nang makuha ko siya muli, may sakit na siya at huli na ang lahat. Ayoko nang balikan ang nakaraan na iyon. Alam ko, kaya niyang lumaban ngunit ang di niya kinaya ay ang lungkot ng aming pagkakalayo. Alam ko alam niya kung gano ko siya kamahal ngunit magpasahanggang ngayon, masakit pa din sa akin ang mga nangyari sa kanya. Marapat na ako ay inyong pahintulutan, ihihinto ko na ang pagtipa sapagkat ako'y lubhang apektado pa rin ng kanyang pagkawala. Isang patunay na kumpara sa sugat sa kalamnan, mas malalim at mas masakit ang sugat na dulot ng kalungkutan, sa tao man o sa ibang nilalang. Mahalin nyo sana ang inyong mga alagang aso.
Si Cubby... hinding-hindi ko siya malilimutan. [tignan ang ibang lahok sa LP...]
Readers have left 15 comments. 1. Untitled Pinky, Unregistered Hi Adinille! Mukhang pagod na si Cubby sa kuhang ito... Kahit malungkot, marahil ang pagpunta niya sa "dog heaven" ay marapat na rin dahil doon ay wala ng sakit ng kalamnan at kalooban (gaya ng iyong nabanggit).
Gandang Huwebes sa iyo! 2. Untitled rose, Unregistered wahh.. nakakalungkot nga.. isa yan sa dahilan kung bakit takot akong mag alaga ng hayop.. dahil masyado akong na aattached sa kanila.. at pag nawala sila..wahhh.. masyado kong dinadamdam..
have a nice day! 3. Untitled Buge, Unregistered Nakakalungkot naman... pati ang mga Cubby ay parang malungkot. Hindi bale, sigurado akong masaya na siya ngayon, kasama ang mga iba pang mga alaga. Baka magkakilala na din sila ng alagang kong poodle na si Macho.
Maligayang Huwebes! 4. Untitled lidie, Unregistered  nakakalungkot naman... magandang huwebes sa'yo... magandang huwebes sa'yo... 5. Untitled jennyL, Unregistered ayy kakalungkot naman ito, nadarama ko talaga sa iyong pagkakasulat.. 6. Untitled sardonic nell, Unregistered oh my, that is sad. losing a pet, is like losing a member of the family. i'm sure he's barking at you from the across the rainbow bridge 
|