MEMBER OF:




LP#8: Tubig
Friday, 23 May 2008


Huli man daw at magaling... huli pa din! *hehehe*

Pagpasensyahan nyo na po ang kabagalan ko sa pag-update ko ng blog ko nitong mga nakalipas na araw. Pakiramdam ko ubos na ang lakas ko. Sabi nga sa wikang Ingles eh, burn-out na ako.

Ang mga larawan na lahok ko ngayong linggo ay kuha ko sa Gulugod Baboy (isang bundok na minsan naming inakyat). Nakalulungkot nang sa amin ay tumambad ang nasunog (o sinunog) na parte ng kalikasan. Ngunit ako ay natuwa nang may nakitang isang maliit na halaman. Pag-asa. Yun ang nais kong itawag sa kanya.


Tulad ng mga larawan, ako ay naniniwala na kahit ano ang ating pagdaanan sa buhay, uusbong, isang araw, mula sa isang punla ang isang maliit na halaman na siyang magbibigay ng pag-asa sa atin.

Maliban sa tubig na biyaya ng kalangitan, nawa ay atin ring kusang diligan ang punla na balang araw magbibigay sa atin ng mas magandang kinabukasan.

Isang pinagpalang linggo sa ating lahat!



[dalawin ang ibang lahok sa LP...]

 

One person has commented on this article.
 1. Untitled
Kotsengkuba, Unregistered
ayos sa macro. parang sago lang yung tubig ;-)
 Posted 2008-05-26 23:04:12
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :
J! Reactions 1.09.00 • General Site License
Copyright © 2006 S. A. DeCaro
 
< Prev   Next >