| LP#46: Tipanan (Date) |
| Thursday, 19 February 2009 | |
|
Page 1 of 4 "Hmm... san tayo magde-date ngayon?" ![]() "Pwede na ba dito?" "Pwede na. Ilabas na natin ang pagkain..." "Haaayy naku! Buti pa kayo... Ako sa tagal ng ka-date ko, naging bato na ako." ![]() "Nagustuhan mo ba na dito kita dinala sa unang date natin?" ![]() Sa aking paglalakbay sa lungsod ng Maynila, partikular sa Roxas Blvd., kung saan matatagpuan ang Breakwater at ang dating Baywalk, madami akong nakitang mga nagde-date. Noong mga panahong iyon ay wala naman ako ka-date kundi si Casiong (ang aking Point-n-Shoot digital camera). Isa akong tagamasid, lihim na naaaliw sa mga kabataang tila kinikilig sa bulong ng kanilang kasintahan. Lihim na nagagalak sa tuwinang makakakita ng lolo at lolang magkahawak ang mga kamay habang dahan-dahang naglalakad. Lihim na nangangarap na sana balang araw hindi na camera ang hawak ko sa tuwing mamamasyal ako sa tabing-dagat. Wala na ang Baywalk nang aking lisanin ang Pilipinas. Kahit na unti-unti nang napupuno ng basura ang karagatan, ang Breakwater ay naroon pa din na patuloy na sumasaksi sa mga pusong nagmamahalan. Kaya kong kalimutan ang dumi na aking nakita at ang simoy ng hanging aking nalanghap, ngunit hindi ang magagandang tanawin ng mga pamilya at magsing-irog na aking napagmasdan. Madami pa din sa atin ang mas pipiliing tipanan ang lugar kung saan tanaw ang paglubog ng araw. ![]() Ang paglubog ng araw sa Manila Bay ay patuloy na magbibigay ng pag-asa sa puso ninuman, higit sa lahat sa puso ng ating Inang Bayan. Saan ang date ninyo, mga ka-LP? Readers have left 24 comments. 1. Untitled milet, Unregistered ako'y iyong napangiti sa iyong lahok. salamat sa pagbisita. maligayang LP! 2. Untitled Gizelle, Unregistered on naging bato na! dramatic at romantic talaga nag view sa tabing dagat ano.. 4. Untitled CES, Unregistered ang galing ng istorya! haha! syempre pa ganda ng huling larawan:) 5. Untitled HV, Unregistered Ithink I remember this place at ang white panyo... Posted 2009-02-19 03:23:13 |
| < Prev | Next > |
|---|



I am Mae German. 32 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 











on naging bato na! dramatic at romantic talaga nag view sa tabing dagat ano..
Ithink I remember this place at ang white panyo...