| LP#42: Kahel |
| Thursday, 22 January 2009 | |
|
Page 1 of 4 Haayyy... Huwebes na naman. Aaminin ko na kung hindi dahil sa Litratong Pinoy, malaki ang posibilidad na di ko na mamamalayan kung anong araw na ngayon. Ang lahok ko ngayon ay mula sa mga larawang kuha ko sa isang bundok sa Pilipinas na tinatawag nilang Pico de Loro ilang taon na ang nakararaan, gamit ang aking Point-and-shoot camera na Casio Exilim Z3. Para sa kaalaman ng karamihan, ang Pico de Loro ay nasa probinsiya ng Cavite sa bayan ng Ternate. Sa pagkakaalam ko, ito ang pinakamataas na bundok sa Cavite. Naakyat ko ang bundok na ito sa dalawang magkaibang pagkakataon at sa dalawang magkaibang trail. Una sa Magnetic Hill (Puerto Azul) at ang huli ay sa Brgy. Papaya na ang dinaanan namin tungo sa bayan ng Nasugbu, Batangas kung saan nag-aabang ang aming mga kaibigan na may handang pagkain, malamig na Coke, at kasiyahan para sa aming pagbabalik-loob sa sibilisasyon (hehe.. namundok daw kami eh!). Napakaganda nito dahil may 360 view ito sa summit. Kita mo din dito ang South China Sea at sa kabila naman ang Manila-Bay. Pico de Loro ang tawag nila sa bundok na ito dahil sa malayo, para itong malaking tuka ng loro. ![]() Readers have left 22 comments. 1. Untitled rose, Unregistered wow.. ang galing ng pagkakakuha mo :) salamat sa pag dalaw sa akin.. :) 2. Untitled FickleMinded, Unregistered ang ganda ng bulaklak, pero mas nagandahan ako sa puting spider. ![]() 3. Untitled Joy, Unregistered Salamat sa pagbisita mo sa LP ko! Galing ng pagkakakuha mo. Parang di point and shoot! 4. Untitled leah, Unregistered galing, kahit na p&s cam lang gamit mo! :) salamat sa iyong pagdalaw. :) 5. Untitled lino, Unregistered uy, nagtrek kayo dun? yan ang di ko pa nagagawa, magtrekking... maganda daw view dun sa pico de loro... 6. Untitled RoseLLe, Unregistered dahil sa tingkad ng kulay ng bulaklak pansing pansin talaga ang kaputian ng gagambang iyan...ganda ng kuha mo ah. gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa <a href="http://manillapaper.com">Reflexes</a> at <a href="http://livinginau.com">Living In Australia</a> |
| < Prev | Next > |
|---|



I am Mae German. 32 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 









