| LP#38: Karoling |
| Thursday, 18 December 2008 | |
|
Madalas noong bata pa ako, sumasama ako sa panga-ngaroling sa bahay-bahay sa aming probinsya. Ngayon, ang mga kabataan ay hindi na kasing-palad tulad ng mga kabataan dati na may mapulot ka lang na tansan na pinagsama-sama, pwede ka na pumunta sa bawat bahay at umawit ng mga Pamaskong awitin kahit wala ka sa tono. Ngayon, karamihan ng barangay ay nangangailangan na ng permiso mula sa barangay upang mangaroling (may mga bata pa namang nakakalusot). Iba-iba ang pamamaraan ng panga-ngaroling sa ating bayan. ![]() Isa sa mga nakakaantig-pusong pangangaroling na natunghayan ko ay ang A Special Christmas na kung saan isa si Drae, sa mga umawit para sa aming mga manonood. Kasama niyang na-ngaroling dito sina Jose Mari Chan, Oggie Benipayo, Randy Gilongo, Arms Cruz, A.K.A., Jed Balsamo, at ang grupong Hangad. Ang nalikom nila sa kanilang pag-awit ay inilaan nila para sa mga special children. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakasama sa Karoling... pero bilang musmos sa puso, ramdam ko pa din ang galak sa tuwing maaabutan kami ng maybahay kahit na bente singko. Aawitan pa rin namin sila sa bandang huli ng: "Tengkyu, tengkyu, ang babait ninyo, tengkyu!!!"
Sabay takbo at lipat sa kabilang bahay. Tara nang mangaroling sa mga ibang ka-LP natin! ![]() |
| < Prev | Next > |
|---|



I am Mae German. 34 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 





