LP#37: Mahalagang Regalo
Thursday, 11 December 2008

"Okay ba sa iyo mag-bota tulad ng ginagamit ko?", tanong ng hipag ko sa akin. Madalas kasi, naka-rubber shoes lang ako tuwing lumalabas kami. Hindi kasi ako masaya kapag hindi masaya ang paa ko. Mapili ako sa mga sapatos.

Ngunit maaaring mapadalas na magyelo na sa labas at ayon sa kaniya madulas na ang ibang daanan na maaaring di na kaya ng suwelas ng ordinaryong sapatos.

Ang tuwa at galak ko nang bilhan niya ako ng kauna-unahang bota ko! Isa ito sa mga mahalagang regalo na natanggap ko. Isama na in natin ang lotion at body butter na binigay niya noong kaarawan ko (matakaw din kasi ako sa lotion.. *hehe*).

Maraming Salamat, Ate Roda!





Happy Feet na naman ako, mga ka-LP!
 

Readers have left 11 comments.
 1. Untitled
Pinky, Unregistered
Bongga naman magregalo ni Ate Roda (at biglang naki-Ate pa daw ako - hahaha)! Sarap naman niyang maging hipag at napaka-thoughtful.
 Posted 2008-12-11 04:31:05
 2. Untitled
ces, Unregistered
uy ayos! bait naman ng hipag mo ha:)happy walking!
 Posted 2008-12-11 05:56:02
 3. Untitled
julie, Unregistered
Ambait naman ni Ate Roda, thoughful pa. Ayan, puwede na mamasyal kahit medyo madulas
 Posted 2008-12-11 07:32:21
 4. Untitled
Linnor, Unregistered
ingat sa paglalakad ngayong tag-lamig.
 Posted 2008-12-11 07:52:46
 5. Untitled
ShutterHappyJenn, Unregistered
Sana may hipag din akong kagaya ni Ate Roda. Ang cute ng boots!

Ang aking lahok ay na-post <a href="http://familiakhuletz.blogspot.com/2008/12/mahalagang-regalo-important-gift.html">dito</a>. Sana makadaan ka. Happy Huwebes!
 Posted 2008-12-11 08:58:01
 6. Untitled
lino, Unregistered
ayos yan... hehe. happy huwebes... :)
 Posted 2008-12-11 10:37:47
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :


 
< Prev   Next >