| LP#33: Kinagisnan |
| Thursday, 13 November 2008 | |
|
Page 1 of 3 Minsan sa aming pamamasyal, ako ay natuwa sa napakagandang paglubog ng araw dito sa bayan ni Uncle Sam. Bigla ang sabi ko nang malakas, "HUWOW!!!" Nagulat ang kaibigan ko na siyang nagmamaneho, sabay sabi, "Ha? Wala ba niyan sa 'Pinas?" Para akong napahiya sa sarili ko. Minsan di ko kasi maitago ang kamanghaan ko sa isang bagay lalo na at bago sa aking paningin, "Meron sa ating ganyan syempre," ang sambit ko. Mas maganda ang sa atin. Mas makabagbag-damdamin. At di ko pagsasawaang titigan at sambitan ng malakas na "HUWOW!"... ![]() Ito ang tanawing aking kinagisnan sa Manila Bay kung saan minsang naging tanyag ang Baywalk. Wala na ang Baywalk. Pinatanggal iyon ng bagong Mayor ng Maynila ngunit mananatili't mananatili ang aking kinagisnang Manila Sunset. Huwow! Tunay na napakagaling na pintor ng ating Maykapal, mga ka-LP. Mapalad tayong mga Pilipino na ang napili Niyang canvas ay ang ating bayan. Readers have left 13 comments. 1. Untitled Yen, Unregistered Ang ganda naman! Galing ng kuha~Salamat sa pagbisita! 3. Untitled RoseLLe, Unregistered kay gandang tanawin...parang relax lagi ang buhay diyan. ang aking mga lahok ay naririto: <a href="http://manillapaper.com/2008/11/lp-then-and-now/">Reflexes</a> at <a href="http://livinginau.com/2008/11/beach-all-over/">Living In Australia</a> 4. Untitled cookie, Unregistered Napakaganda talaga ng sariling atin :) eto ang aking <a href="http://scroochchronicles.com/?p=806">lahok <a/a> 5. Untitled ShutterHappyJenn, Unregistered Ang ganda talaga ng sunset sa Manila Bay. Talagang world class! Eto ang <a href="http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/11/kinagisnan.html">aking lahok</a>, and eto naman <a href="http://familiakhuletz.blogspot.com/2008/11/kinagisnan.html">ang lahok ng aking kapatid</a>. Magandang araw ng Huwebes! |
| < Prev | Next > |
|---|



I am Mae German. 34 years old. Born in Mangatarem, province of Pangasinan. I was taught and trained by 






