MEMBER OF:




LP#3: Apat Na Kanto
Wednesday, 16 April 2008

Ako'y napaisip...

Sa mata ng Diyos, tayo nga ba ay tila mga buhay na piraso sa larong chess? Larong dama na lang kayo para mas madali. *hehehe* Biro lang po. Hindi naman siguro ganun kababa ang tingin natin sa tao... maliban na lang kung ikaw ay nasa ikalawang palapag ng Powerplant Mall sa Rockwell (kung saan ko nakunan ang larawang ito) at tatanawin mo ang mga tao sa unang palapag.

Sa tingin ko, tayo ay isang piraso sa isang kwadro katulad ng larawan sa ibaba na kuha ko naman sa Intramuros, Manila.

Unti-unti nating binibigyan ng kahulugan hindi lang ang isang parte ng larawan ng ating buhay, kundi ang kabuuan.

Wwwooohhoo!!!! Malapit na akong maging ganap na miyembro ng LP! Laughing

 


Readers have left 20 comments.
 1. Untitled
komski kuno, Unregistered
Hmmm, siguro nasa tao na yun kung hahayaan niya ang sarili niyang maging dama. Hmmm, nasa sa iyo na yun kung guto mong isipin na lahat ng nangayari'y nakatakda na nga, o kung di ma'y ikaw ang nagtatakda nito. Haa, ayoko mag-isip, hehe.
 Posted 2008-04-17 05:38:13
 2. Untitled
adinille, Unregistered
komski... tumpak ka dyan! :)
 Posted 2008-04-17 05:47:43
 3. Untitled
Pinky, Unregistered
Napaisip ako sa lahok mo, Adinille... Ayoko maging dama! Doon pa rin ako sa paglikha ng sariling tadhana habang tinatanggap ang katotohanan na lahat tayo ay may mga limitasyon din at hindi makauusad kung walang tulong mula sa itaas.

Isang banal na Huwebes sa iyo!
 Posted 2008-04-17 06:35:36
 4. Untitled
Linnor, Unregistered
artistiko ang pagkakakuha ng parisukat na tiles na yan :)
 Posted 2008-04-17 06:55:51
 5. Untitled
ettey, Unregistered
galing naman ng kuha mo!
 Posted 2008-04-17 07:59:42
 6. Untitled
lidie, Unregistered
ang ganda ng iyong pag-kuha!
magandang huwebes sa'yo!
 Posted 2008-04-17 09:18:30
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :


 
< Prev   Next >