Stop & Shout


MEMBER OF:



Get Paid Money to Blog


LP#22: Ayaw Ko! (Reject)
Wednesday, 27 August 2008

Sinong may sabing ang mga ayaw na nating parte ng ating lumang bahay,
ang mga "reject" na ating matatawag, ay di na mapapakinabangan pa ng iba?
Ang isang pinaglumaan nang bubong,
ang mga reject na gulong ng sasakyan,
ang mga kahoy mula sa lumang dingding,
magugulat ka, maaari pa ring makapagbigay lilim sa isang pamilya.


Tahanan.
Makabubuo ito ng isang tahanan.

 

[LP#22: Ayaw Ko! (Reject).. loading...]


Isa lamang ang larawang ito sa napakaraming squatters sa Maynila. Mga taong piniling iwan ang maayos na buhay sa kani-kanilang mga probinsiya. Nagbakasakaling mas maayos ang magiging buhay sa ciudad.
Survivors-- hindi natin sila maaaring itatwa at tanggalin sa ating lipunan.

Maaaring isipin natin na sila'y nakakaawa, ngunit taglay nila ang ilang katangiang Pinoy lamang ang mayroon-- tapang ng sikmura, tibay ng dibdib, at tibay ng pananampalataya. Kaya nila!

At sa pagiging maabilidad at sa pagiging malikhain ng Pinoy, walang reject na bagay ang nawawalan ng saysay.

Sang-ayon ba kayo sa akin mga magigiliw kong taga-LP?

 

Readers have left 15 comments.
 1. Untitled
Em Dy, Unregistered
Naalala ko tuloy yung katagang "One man's clutter is another one's treasure".

Ang ganda ng lahok mo. Nakakapagpaisip.

Magandang Hwebes!
 Posted 2008-08-28 07:55:30
 2. Untitled
Reflexes, Unregistered
gayan kagaling ang Pinoy!
 Posted 2008-08-28 10:26:28
 3. Untitled
ces, Unregistered
oo nga, nakakalungkot ang larawang ito...captured well by your lens
 Posted 2008-08-28 10:29:07
 4. Untitled
Litzie, Unregistered
Napakaganda ng iyong lahok. Sino ba ang may gusto ng kahirapan, naway matapos na ito hindi ba? Maligayang paglahok ngayong linggo!
 Posted 2008-08-28 10:34:13
 5. Untitled
julie, Unregistered
Tama ka, nabibigyan nila ng gamit ang mga itinapon ng gamit ng mga ibang tao.

Me mga ganyan sa di kalayuan sa amin, malapit sa ilog. Ayun, maraming mga anak, me mga nahuhulog pa sa ilog lalo pag malakas ang ulan, maraming mga istambay at sa gabi, me mga nag-aaway-away lalo na pag me lasing na at may nambabato pa. Katunayan nabagas pa ang salamin ng isang sasakyan malapit sa amin. Ayaw ko magdiscriminate pero hindi ko sila gusto sa dahilang mga hindi magandang ginagawa ng ILAN sa kanila. Pasensiya na po.
 Posted 2008-08-28 10:53:37
 6. Untitled
Norm, Unregistered
ayaw ko ring dumanas ng ganyang kahirapan, kawawa naman ang mga taong nakatira dyan lalo na yong mga bata pa. Sana makaahon din sila sa kahirapan..pagdating ng panahon.. ( kanta yan ha! )
 Posted 2008-08-28 11:29:23
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :


 
< Prev   Next >