Stop & Shout


MEMBER OF:



Get Paid Money to Blog


LP#12: Itay
Wednesday, 18 June 2008

Itay, Tatay, Ama... ilan sa mga katagang ating sinasambit sa tuwing tatawagin natin ang haligi ng tahanan. "Papa" ang tawag naming magkakapatid sa aking ama. Ngunit di ko na matandaan kung kailan ko ito huling nasambit. Nagkawalay kami noong ako ay bata pa. Apat na taon pa lang ako noon.

Minarapat kong dalawa ang ilahok ko sa linggong ito sa LP [dalawin ang ibang lahok sa LP dito...]. Una, ay ang isang batang maaring naghahanap ng kanyang itay. Pangalawa ang isang larawang maaaring mag-esplika kung nasaan naroon ang isang ama.

LP#12: Itay [loading...]

[LP#12: Itay... loading...]


Pumanaw ang aking Papa sa isang aksidente habang nagta-trabaho sa ibayong dagat taong 1981. Maliban doon, wala na akong matandaan...


Readers have left 19 comments.
 1. Untitled
Pinky, Unregistered
Nalungkot naman ako sa iyong kuwento. :( Saan man naroroon ang iyong ama, tiyak ko na ang pagmamahal niya sa iyo at sa inyong mag-anak ay nanatiling palaging buhay at nag-aalab.

Happy LP, kapatid!
 Posted 2008-06-19 00:20:56
 2. Untitled
ces, Unregistered
mahusay na mga larawan...malungkot na akda na nagpaalala sa akin ng sarili kong ama na matagal ring nagtrabaho sa ibang bansa at pumanaw na rin...
 Posted 2008-06-19 02:39:33
 3. Untitled
lino, Unregistered
nice photo... maligayang araw ng huwebes... :)
 Posted 2008-06-19 06:31:44
 4. Untitled
Clicking Away, Unregistered
Ang ganda naman ng iyong mga litrtao. Parang pang newspaper.

Ang hirap kapag ang ama o ina ay nawalay sa kanilang mga anak para mag trabaho. Lalong mahirap kung may masama pang nangyari sa kanila.

Maligayang LP sa iyo.
 Posted 2008-06-19 06:42:46
 5. Untitled
Linnor, Unregistered
nagustuhan ko ang ikalawang photo. may mga ama na di kasing palad ng iba. sila ang mga marginalized na mga haligi ng tahanan dahil na rin sa kakulangan sa oportunidad na kumita ng sapat.
 Posted 2008-06-19 06:48:49
 6. Untitled
lidie, Unregistered
ang ganda ng iyong mga kuha... parang hango sa pelikula!
magandang huwebes sa'yo!
 Posted 2008-06-19 08:14:24
Please keep your comments brief and on topic, and remember that this is not a discussion thread.
Name :
E-mail :
Website :
Comment(s) :


 
< Prev   Next >